Talk ‘N Text launches Tipid-Sulit Pinas! campaign

2009-07-15 14:15:24

As part of its commitment to empower Filipinos especially during times of crisis, Talk ‘N Text, one of the country’s leading mobile service brands, recently launched Tipid-Sulit Pinas! —an advocacy campaign that reinforces the value of making the most out of limited resources. The campaign also aims to motivate people, especially those experiencing the financial pinch, to recognize opportunities that, through ingenuity, hard work, and perseverance, can provide much needed additional sources of income.


“Tipid-Sulit Pinas! believes that Filipinos have and continue to overcome crisis situations by using the diskarteng tipid-sulit as a tool,” explains Perry Bayani, Group Head of Talk ‘N Text. “We have partnered with a number of organizations including social development foundation Philippine Business for Social Progress (PBSP), the Payatas women’s initiative Rags2Riches, nationwide sari-sari store chain Hapinoy, the talented group of sculptors Banglos, and recruitment network JobsDB. These partner organizations have successfully adopted the same tipid-sulit strategy in helping communities get back on their feet and become an inspiration for others.”


Tipid-Sulit Pinas! will serve as a vehicle for spreading the inspiring success stories of its partners and supporting their programs through an extensive nationwide campaign. “Our partner organizations are all products of Filipino ingenuity and hard work. All of them have grown from being small community-based projects that were merely created to make an extra buck, to highly-successful organizations that can now positively affect the lives of thousands of Filipinos across the nation,” shares Bayani.


To get people involved in the advocacy, Tipid-Sulit Pinas! opens up pathways for Talk ‘N Text subscribers to contribute through a loadvocacy program. All proceeds of the program will go to the advocacy fund, which will benefit Tipid-Sulit Pinas! partner organizations. Subscribers need only to register to Gaantext 10 by texting GT10 to 8855. For every registration, Talk ‘N Text will donate to the Tipid-Sulit Pinas! Fund, while the subscriber enjoys the same Gaantext 10 service: 55 text messages to other Talk ‘N Text and SMART numbers, plus 5 text messages to other networks. Moreover, the registrant automatically gets the “Tipid-Sulit” anthem caller ringtune for free.

Subscribers who would like to make a direct donation may also do so by texting TS<space><denomination> and sending to 8855. Donations may be sent in 1, 2, or 10 denominations.


Downloading the Tipid-Sulit Pinas! Logo or a Tipid-Sulit tip is also a means to help. Subscriber simply texts TS<space>LOGO or TS<space>TIP respectively, and sends to 8855. Every download costs PhP1, a part of which will go the Tipid-Sulit Pinas! fund.


With all these in place, Tipid-Sulit Pinas! is indeed on its way to instilling a stronger sense of diskarteng tipid-sulit in each and every Filipino. “Tipid-Sulit Pinas! reminds us that with the right set of values, everyone may contribute to creating a positive influence that can change lives for the better, not just as individuals, but as an entire nation as well,” concludes Bayani.

Humayo ka, Hapinoy!

2009-07-14 14:10:48

Masayahin daw ang mga Pilipino -- laging nakangiti habang dumidiskarte sa gitna ng matinding pagsubok. Kaya naman hindi kataka-takang ngitian din sila ng mas magandang kinabukasan, sa tulong na rin ng Hapinoy—ang sari-sari store ng Haping Pinoy.

Itinatag ng Microventures noong 2007, ang Hapinoy ay isang business development program na naglalayong tulungan ang mga Pilipinang may-ari ng sari-sari store na mapalago ang kita ng kani-kanilang tindahan. Bukod dito, nais din ng programang bigyan ang mga micro entrepreneur ng pagkakakataong maibenta ang kanilang mga produkto sa mga Hapinoy Community Store at Hapinoy Sari-Sari Stores.

Sa kasalukuyan, mayroong 4,000 merchandised affiliates at 50 community stores ang Hapinoy sa iba’t ibang lugar sa South Luzon. Dahil dito, maituturing ang Hapinoy na pinakamalaking sari-sari store chain sa buong bansa. Kasalukuyan ding inihahanda ng MicroVentures ang Hapinoy para sa napipintong pagbubukas ng 100 karagdagang tindahan sa iba pang parte ng Pilipinas.

Nakikipagtulungan din ang Hapinoy sa Tipid-Sulit Pinas!, isang advocacy campaign na inilunsad ng Talk N’ Text upang palaganapin ang pagpapahalaga sa kasipagan, kagalingan, at determinasyon, lalo na pagdating sa pagpapayabong ng kabuhayan. Sa pamamagitan ng kanilang kooperasyon, tiyak na mas marami pang Pilipino ang mapapangiti at tuluyang mapapagaan ang buhay.

PBSP: Tulong-sulong para sa Pinoy

2009-07-14 14:10:09

Madiskarte man at magaling, may mga panahong mangangailangan pa rin. Sa mga ganitong pagkakataon masusubukan ang suporta ng Philippine Business for Social Progress (PBSP), isang organisasyong umaagapay sa mga negosyanteng Pinoy na naghahangad ng mas masaganang buhay.

Itinatag noong 1970, ang PBSP ay naglalayong matulungan ang mga naghihirap na Pilipino. Isang paraan upang magawa ito ay sa pamamagitan ng enterprise development. Ito di-umano ang magsisilbing susi upang mapayabong ang mga maliliit ngunit magagaling na negosyo, sa tulong na rin ng ilang korporasyon mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Nakikipagtulungan din ang PBSP sa mga organisasyong nagpapahalaga sa sipag, tiyaga, at ilan pang mabuting pag-uugali na kailangan sa pagpapaunlad ng negosyo. Isa sa kanilang mga pinakabagong kaagapay ay ang Tipid-Sulit Pinas!, isang advocacy campaign na inilunsad ng Talk N’ Text upang hikayatin ang mga Pilipino na maging madiskarte, lalo na pagdating sa paghahanap ng dagdag na kita.

Ang pagtutulungan ng PBSP at Tipid-Sulit Pinas! ay naglalayon ding suportahan ang Business in Development (BiD) Challenge – isang patimpalak na magpaparangal sa mga kakaiba at kapaki-pakinabang na ideyang pang-negosyo na maaari ring makatulong sa pagtugis sa kahirapan. Bukas ang kompetisyon para sa mga Filipino entrepreneurs na gustong makakuha ng karagdagang suporta para sa kanilang mga planong negosyo. Ang mga mananalo sa Challenge ay makakatanggap ng pondo, coaching program, investor connections at pagkakataong sumali sa international BiD Challenge sa Netherlands kung saan ang kampeon ay magwawagi ng grant para mailunsad o palaguin ang kanyang programa.

Mga Pinay ng Payatas, Nagtagumpay

2009-07-14 14:09:32

Maraming pagsubok nang napagdaanan at tuluyang nararanasan ang mga taga Payatas; ngunit gaano man kabigat, di pa rin paaawat ang mga residente. Unti-unting umaangat ang kanilang pamumuhay dahil sa kanilang magaling na diskarte, lalo na ng ilang kababaihan ng Rags2Riches.

Itinatag noong 2007, ang Rags2Riches ay naglalayong mabigyan ng dagdag na pangkabuhayan ang mga mananahi ng basahang nakatira malapit sa pinakamalaking dumpsite ng bansa. Sa tulong ng mga tanyag na designers, professionals, at ilan pang taga-suporta, natutunan ng mga taga-Payatas kung paano makakagawa ng mga high-end fashion accessories, bags, at ilan pang makukulay na rugs mula sa kanilang limitadong kagamitan.

Sa kasalukuyan, tanyag na ang mga produkto ng Rags2Riches dahil sa mga kakaiba nitong disenyo at estilo.

Nakipagsanib-puwersa ang Rags2Riches sa advocacy campaigns tulad ng Tipid-Sulit Pinas!-- isang programang nagnanais hikayatin ang mga Pilipino na magsipag, maging matiyaga at maging mas maparaan sa paghanap ng alternatibong kabuhayan. Sa pagtutulungan ng dalawang organisasyon, inaasahang mas marami pang kababaihan ang magkakaroon ng diskarteng tipid-sulit at samakatuwid, buhay na tuluyang gumagaan.